Thursday, 8 September 2016






Sino ang tunay na Masama?

Aminin man natin o hindi,  sadyang laganap na ang kasamaan sa ating lipunan. Maging ang mga kabataan ay nabubulag na din sa pag gawa ng kasamaan. Ngunit ano nga ba ang ating nagiging batayan upang husgahan ang isang na tao na ito ay masama? Baka nga ba ang mga taong ito ay gumagawa ng hindi mabuti sa kanilang kapwa? Dala nga lang ba ito ng kahirapan, problema o impluwensya?

Para sa iilan ang sinumang magbanggit ng mga di ka aya ayang salita halimbawa ng mga mura ay mayroong hindi magandang personalidad o sa madaling tawag ito ay masama. Sa ilan naman ay kasamaan na ang manakit ng pisikal at emosyonal sa kapwa. At halimbawa na lamang nito aya ang pagkitil ng buhay ng iyong kapwa na siyang hindi karapat dapat gawin sapagkat nakapaloob sa sampung utos ng Diyos na huwag kang papatay. Ngunit tila may mga tao talaga na hindi sadyang makapatay ng tao sapagkat ang hangad lamang nila ay ipagtanggol ang kanilang mga sarili at ang ilan naman ay napagbintangan lamang.

Kaya payo lamang mga kaibigan, huwag sana tayong basta basta na lamang nanghuhusga ng ating kapwa sapagkat sa ating panghuhusga ng walang sapat na impormasyon o katibayan ay nagiging masama na din ang tingin sa atin ng iba. May kasabihan nga tayo na kung ayaw mong gawin sa iyo huwag mong gawin sa kapwa mo.
Ngiti sa Labi

Ngiti sa labi. Na ang ibig sabihin para sa ating mga tao ay kasiyahan. Ngunit ano nga ba ang kasiyahan? Paano nga ba ito nararamdaman ? O kung paano natin natutukoy na tayo ay nakararamdaman ng kasiyahan?

Ang kasiyahan ay maaaring dulot ng ating mga mahal sa buhay na siyang nagbibigay lakas sa atin na harapin ang anumang pagsubok o problema na ating kinakaharap at manatiling positibo sa kabila ng mga ito. Sila din ang pangunahing dahilan kung bakit napapawi ang ating mga lungkot at pagod na ating nararamdaman. Makapiling mo lamang ay iyong mga mahal sa buhay ay labis labis na kasiyahan na ang dala nito sa iyo. At pangalawa naman ay kasiyahan dulot ng pagkakamit ng anumang pangarap sa buhay na sadyang kaligaligaya sapagkat matapos ang lahat ng iyong pagsusumikap at pagtitiis ay sa wakas iyo nang nakamtam ang tamis ng tagumpay. 

Ang pagkakaroon ng ngiti sa mga labi ng bawat tao ay nangangahulugan din na ang taong iyon ay sadyang masayahin at lahat ng kanyang tao na kakilala ay kaniyang binabati ng ngiti sa kanyang mga labi. Ano man ang interpretasyon ng bawat tao patungkol sa "ngiti sa labi" ang palagi lang nating tatandaan ay mas kaaya ayang tignan ang isang tao kung ito ay paalaging mamataan ng ngiti sa kanyang mga labi.



Pagkabigo

Narasan mo na ba ang mabigo? Tipong binigay mo na ang lahat ng iyong makakaya ngunit tila ito ay kulang pa din? May mga katanungan sa iyong isip na kung bakit hindi pa din sumapat ang lahat ng pagsusumikap at pagtitiyagang iyong binigay at mga oras na iyong ginugol?

Marahil lahat ng tao dito sa ating mundo ay nakaranas na ng pagkabigo. Mapa'mayaman ka man o mahirap, mapa'may itsura man o hindi kagandahan at kagwapuhan, lahat tayo ay nakaranas na ng kabiguan sa buhay. Para sa marami ang kabiguan ay katumbas ng kahinaan, na siyang nagpapababa na kanilang mga tiwala sa sarili at mag isip ng hindi maganda tulad na lamang ng pagpapakamatay. Halimbawa na nito ay sa pag ibig, marami sa panahon ngayon ang nababalitaan na lamang na nagpakamatay sa labis labis na depresyon dulot ng pagiisip ng kung ano ano o labis labis na pagdadamdam dulot ng pag ibig. Mga sawing palad wika nga ng marami. At ang isa pa sa mataas na porsyento kung bakit nakararanas ng deprensyon o panghihina ng loob ng isang tao ay ang pagkabigo na tuparin ang kanilang mga pangarap o pinapangarap na sa ingles ay "goals in life". Sa pagkabigong ito labis labis na kalungkutan ang nadarama ng isang tao na maaari ding humantong sa kamatayan.

Ngunit anumang pagkabigo sa ating buhay nararapat lamang na atin itong tanggapin at harapin ang anumang nakalaan para sa atin. Ituloy lamang ang buhay ng masaya at may ngiti sa iyong mga mukha. Isipin na lamang na ito ay pagsubok sa atin ng Panginoon na nararapat lamang nating harapin ng may tatag at kalakasan ng loob upang sa gayon ay makamtam natin ang anumang bagay na ating minimithi sa buhay.

Wednesday, 7 September 2016




Galit

Madaming tao sa panahon ngayon ang nakararamdam ng galit sa kanilang kapwa sa iba't ibang mga kadahilanan. Ngunit paano nga ba natin natutukoy kung ang ating nararamdaman sa ating kapwa ay galit? Ano nga ba ang mga maaaring dahilan upang tayo ay makaramdam ng galit sa ating kapwa? 

Marahil madami sa atin ang mapagtanim ng galit sa ating kapwa. Tipong humihingi na ito ng tawad sa atin ngunit hindi pa din magawang patawarin. Ang labis labis na pagtatanim ng sama ng loob sa ating kapwa ay nagdudulot ng galit o poot sa ating mga puso. Na siyang nagiging dahilan kung bakit tayo nahihirapan na magpatawad sa ating kapwa. May iilang tao na sa pagsasabi ng masasakit na salita sa kanilang kapwa ibinubuhos ang kanilang galit na nararamdaman. Ang ilan naman ay dinadaan sa pananakit na pisikal upang sa gayon ay gumaan o mawala ang bigat sa dibdib na kanilang nararamdaman dulot ng galit. At karamihan naman ay madaling nagpapatawad sa oras na humingi na ng tawad ang sinumang nagkasala sa kanila.

Ngunit kahit ano man ang dahilan ng iyong galit sa iyong kapwa. Palagi nating tatandaan na tao lamang tayo na kailangang magpatawad. Sapagkat walang anumang kasalanan ang hindi pinagsisihan ng taong gumawa nito. Kaya para sa ating mga nagawan ng kasalanan. Matuto tayong magptawad at kalimutan ang masasamang pangyayari na nakaraan na. Nawa'y matuto tayong maging positibong mag isa patungkol sa mga bagay bagay. Napakahalaga ng bawat oras at araw para sa atin upang gugulin lamang natin ito sa pagiisip ng mga negatibong bagay laban sa ating kapwa.

Sunday, 4 September 2016




Kalungkutan

Paano ba natin nalalaman na tayo ay nakararamdam ng lungkot sa ating mga sarili? Ano ba ang ating nagiging mga batayan para masabi natin na tayo ay malungkot? May maganda ba itong naidudulot para sa atin?

Sa halos araw araw na ating pamumuhay wala yatang tao ang hindi nakararamdam ng kalungkutan kahit ang dahilan pa nito ay maliit o malaki. Lahat ng tao ay may kanya kanyang  problema o suliranin sa buhay na kinakaharap. At sa mga oras na iyon ay kadalasang kalungkutan ang ating nararamdaman. Karamihan sa atin ay pagluha lamang ang tanging alam na paraan upang sa gayon ay kahit papaano’y gumaan ang ating kalooban. Na halos wala ng pumatak na luha mula sa ating mga mata dahil sa labis labis na pagiyak. 

Ang kalungkutan ay laging may kaakibat na kirot sa ating mga dibdib na tila ba may mabigat na bagay na nakadagan dito. Sadyang kay hirap makaranas ng kalungkutan. Lalo na kung ikaw ay halos wala ng malapitan sapagkat lahat ng tao sa iyong paligid ay may kanya kanya ding gawaing dapat tapusin. Dumadating talaga sa punto na tanging sarili mo lamang ang iyong makakaramay. Alin lamang sa dalawa ang kinakahantungan ng labis labis na kalungkutan. Ang pagkawala sa sarili o ang pagtatapos ng iyong buhay. Kaya kung tayo man ay nakararanas ng labis labis na kalungkutan palagi nating tatandaan na hindi tayo nagiisa. Ang Panginoon ay palagi lamang nandito para sa atin. Maaari natin Siyang kausapin upang gumaan ang ating kalooban at maniwala ka. Ito ay epektibong paraan. Iiyak mo lamang at kasunod nuon ay kausapin mo Siya. Nandiyan lamang Siya palagi at handang makinig sa ating mga nasa sa loob.