Tuesday, 25 October 2016

                                                                       

                                                                 Kasinungalingan

May mga tao talaga sa mundong ito na nakakayang magsabi ng pawang kasinungalingan. Bakit nga ba nila naaatim na magsabi ng kasinungalingan? May mabuti nga bang naidudulot ito o wala?
Hindi ko lubos maisip ung bakit mayroong mga tao na nakakayang mag sabi ng mga salitang pawing puro kasinungalingan. Ito kaya ay kanilang natututunan sa pamilyang kanilang kinalakhan? O sa mga kaibigang kanilang sinasamahan? Maraming katanungan na hindi ko mawari kung ano ang mga kasagutan.

Ngunit isa lamang ang aking pananaw patungkol sa mga taong sinungaling. Ito ay ang hindi sila maaaring pagkatiwalaan. Sabi nga nila, kapag nawala na ang tiwala sa iyo ng isang tao mahirap na itong ibalik. Ang kasinungalingan ay isa sa mabigat na kasalanan na maaaring magawa ng tao. Sa oras na ito ay iyong magawa, maaaring paulit ulit mo na din itong gawin sapagkat para sa iyo ito na lamang ang natitirang paraan upang matakpan ang iyong mga nagawang kasalanan.

Kaya’t hanggant maaari ay huwag sana nating matutunan ang pagsisinungaling. Dahil sa oras na ito ay ating masimulan habang buhay na natin itong dala dala sa ating pag uugali. At huwag mong aasahang may mga ta pang magtitiwala sa iyo. Kaya hanggat maaga pa ay baguhin mo na ang iyong masamang pag uugaling iyan kaibigan. Hindi yan makakabuti sa iyo at sa mga taong nakapalibot sayo.




                                                          Buhay Estudyante

Wika nga sa kasabihan ‘Ang buhay ng estudyante ay hindi biro’ madaming pagsubok ang kinahaharap. Hindi lamang sa loob ng paaralan kung hind maging sa tahanan ay dala dala ang gawaing pampaaralan. Tipong wala ka na halos oras para sa ibang bagay sapagakat naigugugol mo na ito sa iyong pagaaral.

Pagsusumikap na makapagtapos ang nais ng bawat mgaaaral upang sa gayon ay makatulong sa kanin kanilang mga magulang. Upang baling araw ay sila naman ang maipagmamalaki ng mga ito. Saludo ako sa mga kapwa ko estudyante na walang sawa at walang pagod na nagpapatuloy pa din sa kanilang pagaaral sa kabila ng hirap ng buhay.

Mayroong mga estudyante na sa kagustuhang makapagtapos ay naghahanap ng trbaho upang sa gayon ay matustusan ang kanilang pagaaral. Ngunit bakit tila mayroon namang ibang mga estudyante na walang inisip kung hindi ang maglakwatsya at magpasarap sa buhay. Mga estudyanteng biniyayaan ng kaginhawaan sa buhay. Na hindi iniisip ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapagaral sila.


Sa kabila ng kahirapan na ating nararanasan sa panahong ito nararapat lamang na suklian natin ang paghihirap n gating mga magulang upang tayo ay mapag aral. Para sa mga estudyanteng walang ginawa kung hinid waldasin ang mga perang ibinibigay sa inyo ng inyong mga magulang upang makapasok at makakain sa pa aralan. 

Nawa’y magising n asana kayo sa katotohanan ng buhay. Matuto sana tayong magtuon ng pansin sa ating pagaaral, oo’t hindi biro ito. Sari saring pagsubok ang inyong makakaharap ngunit lubos lubos na kasiyahan naman ang maidudulot nito sa ating mga magulang sa oras na tayo ay makapagtapos.









                                                              Diskriminasyon

Nakaranas ka na ba nang diskriminsayon? Diskriminasyon sa mga kaibigan? Diskriminasyon sa iskwelahan? Diskriminasyon sa trabaho? O diskriminasyon sa pamilya? Hindi ba’t nakakababa ng loob o tiwala sa sarili ang maramdaman mog mayrong nagaganap na diskriminasyon sa inyong grupo? Tipong binibigay mo naman ang lahat ngunit parang hindi pa din sumasapat upang hindi ka makaramdam ng diskriminasyon.

May mga pagkakataon talaga na kusa mo nalang nailalayo ang iyong sarili sa iyong mga kasama sapagkat kahit hindi nila sabihin ay ramdam mong hindi ka naman nila gusto o hindi ka naman nararapat sa grupong iyon. Mapapaisip ka nalang at mapapatanong sa iyong sarili na ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kakaiba sa akin na hindi pumaparehas sa kanilang mga pag uugali at pagkilos? 

Madaming katanungan ang lagging bumabagabag sa ating mga isipan at maging sa ating kalooban.
Nawa’y matuto ang bawat isa na makaramda kung ikaw ba o ang iyong grupo ay mayroong nadidiskrimineyt. Maging sensitibo sana tayo sa nararamdaman ng ating kapwa. Sapagakat sadyang nakakalungkot ang makaramdam ng diskriminasyon.

 Mapapaisip ka na lamang talaga kung bakit. Bakit kailangan ipamkuha nila sa iyo na hindi ka nararapat o hindi ka nila gusto sa grupong iyon.
Matuto din sana tayo kung paano makisama ng pantay pantay sa bawat isa. Hindi tama na sa iisang tao mo lamang itinutuon ang iyong atnesyon. Sapagkat maiisip ng iba na bakit sila? Bakit sila ay hindi mo naman binibigyan ng ganong klase ng atensyon. MAKARAMDAM KA KAPATID.











                                                        Masasakit na Salita

Paano nga ba natin malalaman kung ang mga salitang ating binibitawan ay nakakasakit na o hindi? Bakit nga ba mayroong mga tao na basta basta na lamang nagbibitaw ng mga salitang nakaksakit sa kanilang kapwa? Ito ba ay kanilang pinagiisipan o sadyang lumalabas na lamang sa kanilang mga bibig kapag sila ay nakararamdam ng sama ng loob?

 Sabi nga sa kasabihan “Kung ayaw mong gawin sayo. Huwag mong gawin sa kapwa mo.” Dahil may mga tao talaga na sensitibo na mabilis magdamdam sa mga salitang hindi nila nagugustuhan na sa kanilang tingin ay masyadong nakakapagpababa sa kanila.

Palagi sana nating tatandaan na ang bawat isa o ang bawat tao sa mundong ito ay nararapat lamang makatanggap ng respeto sa kapwa nila tao. Hindi natin sila pinapakain o binubuhay para basta basta na lamang pagsabihan ng mga nakaksakit na salita. Wala tayong responsibilidad sa kanila. At lalong hindi natin hawak ang kanilang mga buhay at damdamin para pagsabihan ng kung anu anong mga salita na hindi naman dapat nila matanggap mula sa atin.

 Kaya hanggat maaari ay huwag sana tayong basta basta na lamang ngabibitaw ng mga hindi kaaya ayang salita laban sa ating kapwa dahil kahit na hindi nila ipinaaalam sa iyo na masakit para sa kanila ang iyong mga nabitawan ay mananatiling nakatatak iyon sa kanilang mga isipan. Sapagkat sa oras na ikaw naman ang masabihan ng mga ganoong salita ay tiyak na masasaktan at magdadamdam ka din.







                                                               Pagsubok


Marahil lahat tayo ay mayroong pagsubok sa buhay na ating pinagdadaanan. Mga pagsubok na sa akala natin ay wala nang mahahanap na solusyon o kasagutan. Nakakalugmok man sa pakiramdam ang magkaroon ng patong patong na pagsubok mas nakakagaan naman sa pakiramdam sa oras na ito ay iyong malagpasan.

Mayroong mga taong hindi kinakaya ang mga pagsubok na kanilang kinahaharap at kadalasan ito ay nauuwi sa pagkasira ng kanilang ulo o pagkamatay. Pagpapakamatay. Isa sa mga naiisip na solusyon ng mga taong mahina ang pinagkukunan. Tipong akala nila ay wala nang katapusan ang mga pagsubok na dumadating sa kanila kaya’t kanilang maiisip na kitilin na lamang ang kanilang mga buhay.


 Ngunit hindi ba’t ang paniniwala naman nating mga tao na ang mga pagsunok na ating kinahaharap mabigat man o hinid ay pagsubok lamang sa atin ng panginoon? Pagsubok na lalong magpapatatag sa atin at magtuturo sa atin ng aral sa buhay? Kaya kung kayo man ay nakararanas ng pagsubok sa buhay manatili lamang na matatag at kayaning lagpasan ang lahat ng ito ng may tibay at lakas ng loob. Dahil ang buhay ay hindi lamang saya at pasarap dumadating din talaga tayo o ang bawat isa sa atin sa mga sandaling tayo ay malulugmok dahil sa dami ng pagsubok na ibinigay Niya sa atin ngunit ang katumbas naman nito sa oras ito ay ating malagpasan ay mas matatag na ikaw na kayang harapin pa ang mas madaming pasgsubok na iyong kahaharapin sa hinaharap na siyang huhubog sa iyo bilang isang tao na lalang ng Diyos.

Thursday, 8 September 2016






Sino ang tunay na Masama?

Aminin man natin o hindi,  sadyang laganap na ang kasamaan sa ating lipunan. Maging ang mga kabataan ay nabubulag na din sa pag gawa ng kasamaan. Ngunit ano nga ba ang ating nagiging batayan upang husgahan ang isang na tao na ito ay masama? Baka nga ba ang mga taong ito ay gumagawa ng hindi mabuti sa kanilang kapwa? Dala nga lang ba ito ng kahirapan, problema o impluwensya?

Para sa iilan ang sinumang magbanggit ng mga di ka aya ayang salita halimbawa ng mga mura ay mayroong hindi magandang personalidad o sa madaling tawag ito ay masama. Sa ilan naman ay kasamaan na ang manakit ng pisikal at emosyonal sa kapwa. At halimbawa na lamang nito aya ang pagkitil ng buhay ng iyong kapwa na siyang hindi karapat dapat gawin sapagkat nakapaloob sa sampung utos ng Diyos na huwag kang papatay. Ngunit tila may mga tao talaga na hindi sadyang makapatay ng tao sapagkat ang hangad lamang nila ay ipagtanggol ang kanilang mga sarili at ang ilan naman ay napagbintangan lamang.

Kaya payo lamang mga kaibigan, huwag sana tayong basta basta na lamang nanghuhusga ng ating kapwa sapagkat sa ating panghuhusga ng walang sapat na impormasyon o katibayan ay nagiging masama na din ang tingin sa atin ng iba. May kasabihan nga tayo na kung ayaw mong gawin sa iyo huwag mong gawin sa kapwa mo.
Ngiti sa Labi

Ngiti sa labi. Na ang ibig sabihin para sa ating mga tao ay kasiyahan. Ngunit ano nga ba ang kasiyahan? Paano nga ba ito nararamdaman ? O kung paano natin natutukoy na tayo ay nakararamdaman ng kasiyahan?

Ang kasiyahan ay maaaring dulot ng ating mga mahal sa buhay na siyang nagbibigay lakas sa atin na harapin ang anumang pagsubok o problema na ating kinakaharap at manatiling positibo sa kabila ng mga ito. Sila din ang pangunahing dahilan kung bakit napapawi ang ating mga lungkot at pagod na ating nararamdaman. Makapiling mo lamang ay iyong mga mahal sa buhay ay labis labis na kasiyahan na ang dala nito sa iyo. At pangalawa naman ay kasiyahan dulot ng pagkakamit ng anumang pangarap sa buhay na sadyang kaligaligaya sapagkat matapos ang lahat ng iyong pagsusumikap at pagtitiis ay sa wakas iyo nang nakamtam ang tamis ng tagumpay. 

Ang pagkakaroon ng ngiti sa mga labi ng bawat tao ay nangangahulugan din na ang taong iyon ay sadyang masayahin at lahat ng kanyang tao na kakilala ay kaniyang binabati ng ngiti sa kanyang mga labi. Ano man ang interpretasyon ng bawat tao patungkol sa "ngiti sa labi" ang palagi lang nating tatandaan ay mas kaaya ayang tignan ang isang tao kung ito ay paalaging mamataan ng ngiti sa kanyang mga labi.



Pagkabigo

Narasan mo na ba ang mabigo? Tipong binigay mo na ang lahat ng iyong makakaya ngunit tila ito ay kulang pa din? May mga katanungan sa iyong isip na kung bakit hindi pa din sumapat ang lahat ng pagsusumikap at pagtitiyagang iyong binigay at mga oras na iyong ginugol?

Marahil lahat ng tao dito sa ating mundo ay nakaranas na ng pagkabigo. Mapa'mayaman ka man o mahirap, mapa'may itsura man o hindi kagandahan at kagwapuhan, lahat tayo ay nakaranas na ng kabiguan sa buhay. Para sa marami ang kabiguan ay katumbas ng kahinaan, na siyang nagpapababa na kanilang mga tiwala sa sarili at mag isip ng hindi maganda tulad na lamang ng pagpapakamatay. Halimbawa na nito ay sa pag ibig, marami sa panahon ngayon ang nababalitaan na lamang na nagpakamatay sa labis labis na depresyon dulot ng pagiisip ng kung ano ano o labis labis na pagdadamdam dulot ng pag ibig. Mga sawing palad wika nga ng marami. At ang isa pa sa mataas na porsyento kung bakit nakararanas ng deprensyon o panghihina ng loob ng isang tao ay ang pagkabigo na tuparin ang kanilang mga pangarap o pinapangarap na sa ingles ay "goals in life". Sa pagkabigong ito labis labis na kalungkutan ang nadarama ng isang tao na maaari ding humantong sa kamatayan.

Ngunit anumang pagkabigo sa ating buhay nararapat lamang na atin itong tanggapin at harapin ang anumang nakalaan para sa atin. Ituloy lamang ang buhay ng masaya at may ngiti sa iyong mga mukha. Isipin na lamang na ito ay pagsubok sa atin ng Panginoon na nararapat lamang nating harapin ng may tatag at kalakasan ng loob upang sa gayon ay makamtam natin ang anumang bagay na ating minimithi sa buhay.

Wednesday, 7 September 2016




Galit

Madaming tao sa panahon ngayon ang nakararamdam ng galit sa kanilang kapwa sa iba't ibang mga kadahilanan. Ngunit paano nga ba natin natutukoy kung ang ating nararamdaman sa ating kapwa ay galit? Ano nga ba ang mga maaaring dahilan upang tayo ay makaramdam ng galit sa ating kapwa? 

Marahil madami sa atin ang mapagtanim ng galit sa ating kapwa. Tipong humihingi na ito ng tawad sa atin ngunit hindi pa din magawang patawarin. Ang labis labis na pagtatanim ng sama ng loob sa ating kapwa ay nagdudulot ng galit o poot sa ating mga puso. Na siyang nagiging dahilan kung bakit tayo nahihirapan na magpatawad sa ating kapwa. May iilang tao na sa pagsasabi ng masasakit na salita sa kanilang kapwa ibinubuhos ang kanilang galit na nararamdaman. Ang ilan naman ay dinadaan sa pananakit na pisikal upang sa gayon ay gumaan o mawala ang bigat sa dibdib na kanilang nararamdaman dulot ng galit. At karamihan naman ay madaling nagpapatawad sa oras na humingi na ng tawad ang sinumang nagkasala sa kanila.

Ngunit kahit ano man ang dahilan ng iyong galit sa iyong kapwa. Palagi nating tatandaan na tao lamang tayo na kailangang magpatawad. Sapagkat walang anumang kasalanan ang hindi pinagsisihan ng taong gumawa nito. Kaya para sa ating mga nagawan ng kasalanan. Matuto tayong magptawad at kalimutan ang masasamang pangyayari na nakaraan na. Nawa'y matuto tayong maging positibong mag isa patungkol sa mga bagay bagay. Napakahalaga ng bawat oras at araw para sa atin upang gugulin lamang natin ito sa pagiisip ng mga negatibong bagay laban sa ating kapwa.

Sunday, 4 September 2016




Kalungkutan

Paano ba natin nalalaman na tayo ay nakararamdam ng lungkot sa ating mga sarili? Ano ba ang ating nagiging mga batayan para masabi natin na tayo ay malungkot? May maganda ba itong naidudulot para sa atin?

Sa halos araw araw na ating pamumuhay wala yatang tao ang hindi nakararamdam ng kalungkutan kahit ang dahilan pa nito ay maliit o malaki. Lahat ng tao ay may kanya kanyang  problema o suliranin sa buhay na kinakaharap. At sa mga oras na iyon ay kadalasang kalungkutan ang ating nararamdaman. Karamihan sa atin ay pagluha lamang ang tanging alam na paraan upang sa gayon ay kahit papaano’y gumaan ang ating kalooban. Na halos wala ng pumatak na luha mula sa ating mga mata dahil sa labis labis na pagiyak. 

Ang kalungkutan ay laging may kaakibat na kirot sa ating mga dibdib na tila ba may mabigat na bagay na nakadagan dito. Sadyang kay hirap makaranas ng kalungkutan. Lalo na kung ikaw ay halos wala ng malapitan sapagkat lahat ng tao sa iyong paligid ay may kanya kanya ding gawaing dapat tapusin. Dumadating talaga sa punto na tanging sarili mo lamang ang iyong makakaramay. Alin lamang sa dalawa ang kinakahantungan ng labis labis na kalungkutan. Ang pagkawala sa sarili o ang pagtatapos ng iyong buhay. Kaya kung tayo man ay nakararanas ng labis labis na kalungkutan palagi nating tatandaan na hindi tayo nagiisa. Ang Panginoon ay palagi lamang nandito para sa atin. Maaari natin Siyang kausapin upang gumaan ang ating kalooban at maniwala ka. Ito ay epektibong paraan. Iiyak mo lamang at kasunod nuon ay kausapin mo Siya. Nandiyan lamang Siya palagi at handang makinig sa ating mga nasa sa loob.




Monday, 25 July 2016

Durog na Puso..


Sa oras na paasukin mo ang mundo ng pag ibig asahan mong kakambal na nito ang sakit. Madalas nating sinasabi na "Tama na! Ayoko na! durog na durog na ang puso ko sayo!". Ngunit paano nga ba nalalaman ng tao na durog na ang kanilang mga puso? Literal ba itong nadudurog kapag tayo ay emosyonal na nasasaktan ng ating mga mahal sa buhay? O ito ba'y nalalaman sa oras na tayo ay lumuha na halos wala ng katapusan hanggang sa sumikip na ang ating mga dibdib at hindi na halos makahinga?
 Ano man ang tunay na kahulugan nito ang mahalaga at dapat nating matutunan, na hindi dapat sinasaktan ang damdamin ng bawat tao. Lahat ng tao ay balat sibuyas madaling magdamdam at maapektuhan  kaya kung ikaw man ay galit palagi mong tatandaan na huwag na huwag kang magbibitaw ng anumang salita na maaring makasakit sa damdamin ng iyong kapwa. Katulad nga ng sabi nila sa ingles "Forgive but never forget" ang tao nagpapatawad yan dahil sino ba naman tayo? Kung ang Diyos nga nagpapatawad e, tao pa kaya? Pero palagi nating tatandaan na itoy habang buhay ng nakatatak sa kanilang mga isipan. Oo, tamang makakalimutan nila ito ngunit pansamantala lamang ang pagkalimot nito sapagkat dadating at dadating din ang oras na ito'y kanilang maalala at muli nilang mababalikan ang lahat ng mga masasakit na salitang iyong binitawan.

Sa pagmamahal, dapat handa kang masaktan. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon puro saya, nariyan din ang mga pagkakataon na kayo ay magkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan at pag aaway. Tamang masasaktan ka. Luluha. Mapapagod. At dadating sa punto na susuko ka na dahil hindi mo na kaya pagkat durog na durog ka na. Itatanong mo sa iyong sarili na "saan ako nagkulang?" "bakit kailangan kong makatanggap ng ganitong pagttrato sa akin?" ngunit ito pala'y mga pagsubok lamang na syang lalong magpapatatag sa inyong dalawa. Kaya hanggat maari ayusin hanggant kaya pang ayusin kung talagang mahal ninyo ang isa't isa handa ninyong harapin ang lahat ng anumang problema ng matatag at kalimutan nalamang ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan.

Masasaktan ka. Ngunit kaakibat naman nito ay matututo ka. Ang pag-ibig ay isa sa paktor na syang naghuhubog ng ating pagkatao, tumutulong din ito sa pagmamatyur ng ating mga isipan. Ang mga masasakit na nangyari sa atin dulot ng pag ibig ay syang magbibigay daan sa atin upang sa gayon ay  matuto tayong gumawa ng mga desisyon sa buhay na alam nating tama at walang masamang kalalabasan. Matututo din tayo kung paano maging matatag sa kabila ng sakit na dulot ng pag ibig.

Saturday, 23 July 2016

Huwag ka ng umiyak.





Walang sinumang  tao dito sa ating mundo ang hindi pa nakararanas na umiyak lalo na kapag tayo ay mayroong pinagdadaanang problema sa buhay. Kung inaakala natin na hindi umiiyak ang mga kalalakihan ay nagkakamali tayo. Sadyang mapagtago lamang sila sapagkat ayaw nilang mayroong makakita ng mga luhang tumutulo mula sa kanilang mga mata pagkat paniniwala nila’y nakakababa ito ng kanilang pagkalalake. Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag iyak? Ito ba’y nangangahulugang ikaw ay isang mahina? Talunan? o nangangahulugan lamang nito na ikaw ay mayroon ding damdaming nasasaktan na tanging sa pagluha mo na lamang ito na ipapakita?

Madaming tao ang madalas na nagsasarili lamang upang sa gayon ay magkaroon sila ng oras na lumuha. Ang luha ay isa sa paktor na nagdudulot ng paggaan ng ating mga kalooban, kung ikaw man ay may mabigat na pasanin o problema sa buhay na sa iyong palagay ay hindi mo na kaya. Isang paraan lang ang lagi at nakasanayan na nating gawin, at ito ay ang pagiyak. Aminin man natin o hindi. Ito lamang ang tanging naiisip nating gawin kapag tayo’y mayroong mga problema. Mapag-isa, magkulong sa kwarto, at umiyak hanggang sa halos matuyuan ka na ng tubig sa mata sapagkat wala ng tumutulo pang luha mula dito ang kadalasan nating ginagawa.

Tipong hanggat naaalala mo ang iyong mga problema ay lalo pang sunod sunod na pumapatak ang tubig mula  sa iyong mga mata na kasabay nito ang kaunting kirot na iyong mararamdaman sa kaliwang bahagi ng iyong dibdib sapagkat hindi ka na halos makahinga. Ganyan tayong mga tao. Bukod sa ating Panginoon, Iyak ang nagiging sandigan natin sa oras na walang wala at problemadong problemado na tayo.  Nakakagaan din naman kase kahit papapano ang pag iyak sapagkat nailalabas mo ang iyong emosyong iyong pinagkakatago tago sa harap ng mga tao at mga mahal mo sa buhay.

Subalit palaging tatandaan. Na hindi sa lahat ng oras ang luha ay para lamang sa mga may pinagdadaanan sa buhay. Ang pagluha din kung minsan ay katumbas ng kaligayahan o sa salitang ingles ay “Tears of joy” dahil sa mga sandaling tayo’y galak na galak o hindi makapaniwala sa mga nangyayareng maganda sa iyong buhay ay hindi mo naiiwasang hindi maluha. Ngunit sana lamang ay hindi natin masyadong ugalin ang pag iyak sapagkat ito din ay pwedeng magdulot sa iyo ng pagkakasakit sa puso. Kaya kaibigan, huwag mong masyadong isipin ang mga problemang mayroon ka ngayon. Harapin natin ito ng matatag at may lakas ng loob at tiwala sa sarili sapagkat ito ay pagsubok lamang sa atin ng Panginoon kaya huwag ka ng umiyak, bangon kaibigan. Ayusin ang sarili at magsimulang solusyunan ang kung anumang problema ang mayroon ka.


Paano ba ang mag Mahal?



    Paano nga ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak nalang palagi? Ang linyang ito sa kanta ni Piolo at Sarah ay ilan lamang sa mga katanungan na hindi ko maisip o mawari kung saan at paano ko matatagpuan ang mga kasagutan. Madalas na mangyare noon at magpahanggang ngayon ang mga naghahayag ng kalooban nila na kesyo sila’y sawa na at palagi na lamang nasasaktan ng paulit ulit ng mga taong minamahal nila. Sari saring hinaing tulad na lamang ng mga naloko, pinaasa, at sinaktan.

Nariyan din ang mga sitwasyong kung minsan ay nagduulot ng kapahamakan sa tao tulad ng pagpapakamatay para sa mga taong hindi tanggap na sila’y tuluyan ng iniwan at ipinagpalit sa iba ng kanilang minamahal. Ito ang mga taong naniniwala sa linyang “hindi ko kaya kapag nawala ka sa buhay ko. Ikamamatay ko.” Hindi ba’t napaka estupido ng linyang ito? Sasayangin niyo ang inyong buhay para lamang sa taong sasaglit mo pa lamang nakikila kumpara sa pamilya mong simula ng magkaroon ka ng buhay sa mundong ito ay kasakasama mo na at patuloy ka pa ding binibigyan ng sapat na atensyon at labis labis na pagmamahal?

Mayroon namang iba na sa sobrang pagmamahal ay wala na halos itinira para sa kanilang mga sarili na ultimo pagbibigay ng sarili ay ginawa na hanggang sa magbunga ng panibagong nilalang kahit sila’y wala pa sa wastong edad. Na syang linya naman ay “Mahal ko sya e. Kaya ibinigay ko na sa kanya lahat lahat”  hindi inaapura ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Ngunit sa panahon ngayon ay padami ng padami ang mga kabataang nabubuntis at nagsasama sa iisang bubong. Ito ang mga taong nabulag ng husto sa pagmamahal na hindi na nila inisip pang mahirap ang maging batang ama at ina.

At ang huli ay ang mga taong nagiging ampalaya na walang ibang alam sabihin tuwing makakakita ng mga magkasintahan kung hindi “Magb’break din kayo” “Walang forever!”. Ito ang mga taong pinaasa,  na akala nila’y mahal din sila ng taong minamahal nila ngunit sa kasamaang palad ay hindi pala.

Sari sari man ang istorya patungkol sa pagmamahal, ngunit isa lamang ang aking natutunan. At ito ay matuto ka munang mahalin ang sarili at ang pamilya mo bago ka sumubok magmahal at pumasok sa isang relasyon. Hindi ka masasaktan kung marunong ka lang magpahalaga, rumespeto, magmahal ng sarili, at higit sa lahat kung malakas ang iyong pananampalataya sa ating Panginoon. Huwag ding magmadali dahil baling araw ibibigay din Niya ang nararapat na tao para sayo. Nawa’y kung ano mang klase ng pagkabigo sa pagibig ang inyong naranasan o nararanasan ay magsilbi itong aral para sa inyo at matuto kung sakaling dumating man ang sandal na ikaw ay iibig ng muli.

Wednesday, 20 July 2016

Kaibigan, totoo ka ba?


Totoo nga ba ang mga taong nakapaligid sa atin? Ang mga taong inaakala natin ay mapagsasabihan at mapagkakatiwalaan ng ating mga sikreto? Mga sikretong nararapat lamang ay manatiling nakatago? Ngunit paano kung isang araw ay malaman mo nalang na ang kaibigang siyang lubos mong pinagkakatiwalaan ay siya palang isa sa sumisira sa iyong pangalan habang ikaw ay nakatalikod. Traydor mo bang matatawag ang ganitong klase ng kaibigan?

Sa panahon natin ngayon, sadyang napakahirap makatatagpo ng mga tapat at totoong kaibigan. Mga kaibigang hindi ka basta basta iiwan sa ere anuman ang mangyari. Kaibigang mapatalikod o mapaharap ka man ay parehas lamang ang turing sayo, walang halong kaplastikan o panguuto. Totoo lang. Ngunit sa mga nangyayari ngayon sa ating paligid, pansinin nyo na sadyang dumadami ang kaso ng mga magkakaibigang nagkaka-away o pagkakaibigang nasisira ng dahil sa pagt'traydor at paninira sa isa't isa kapag ito'y nakatalikod na. May ilan ay siyang siya na pagusapan ang kanilang kaibigan kapag itoy wala, plastikan duon, plastikan dito. Bakit hindi natin subukang magpakatotoo? Libre lang naman ang magpakatotoo at wala pang kahirap hirap gawin ito. O sadyang may mga tao talagang ang libangan ay pintasan o husgahan ang kanilang kapwa lalo na ang kanilang mga kaibigan?

Kaibigan mo bang maituturing ang isang taong matalikod ka lang sandali ay iba na ang tingin sayo? Kaibigang hindi ka lamang sinisiraan sa ibang tao kundi sya ring nagbibigay ng masasamang komento laban sayo? Kay hirap nga namang mabuhay sa mundong mapanlinlang, tipong ibibigay mo ang lahat ng tiwala mo dahil sa kampanteng kampante kang hindi ka nya t'traydurin at sisiraan sa ibang tao. Ngunit ano lamang ang ating napapala? Sa huli'y tayo lamang din ang lumalabas na masama sa paningin ng iba. Kaya payo lamang mga kaibigan. Maging mapili sana tayo sa pagpili ng mga kakaibiganin at huwag basta basta naglalahad ng lahat ng iyong sikreto sa buhay. Mag ingat ka kaibigan. Maging mapag'matyag, mabusisi, at mag'ingat.




Tuesday, 19 July 2016

Para kanino ka Gumigising?


Hindi ba’t napaka-pamilyar para sa atin ng katagang “Para kanino ka gumigising”? Isang katanungan ngunit lubha kang mapapaisip at mapapatanong ng “Bakit at Kanino nga ba?”. Sadyang napakahiwaga ng buhay madaming katanungan tayong kinakailangan ng kasagutan ngunit paano nga ba at saan natin ito makikita o matatagpuan? Bakit nga ba kinakailangan pa nating gumising at paulit ulit na gawin ang mga bagay na paulit ulit nalang naman nating ginagawa sa araw araw? Minsan o madalas ako’y napapaisip  kung para saan at pinipili pa nating mabuhay kung gayong puro hirap at pasakit lamang ang ating nararanasan kaunting saya karamihan na’y hirap. Sa aking madalas na pag iisip patungkol sa napakahiwagang tanong na ito sa wakas ay nabigyan ko na din ng kasagutan.
Katulad nga ng aking nabanggit sadyang napakahiwaga ng buhay ng tao. Tayo pinahiram lamang ng buhay ng Panginoon na syang nararapat nating gamitin, pangalagaan, at mahalin. Madaming dahilan upang tayo ay patuloy na mabuhay. Nariyan ang ating pamilya na syang nagpapalakas at nagpapatatag ng ating loob at sya ring pangunahing dahilan kung bakit natin pinipiling bumangon sa umaga at patuloy na gawin ang mga bagay na paulit ulit nating ginagawa sa araw araw. Nariyan din  ang ating mga kaibigan na syang nagbibigay kasiyahan sa atin at kung paminsan minsan ay sya ring ngapapalakas ng ating loob. Maaasahan sa oras na ikaw ay lugmok sa kalungkutan.

“Inspirasyon” lamang ang ating kinakailangan upang patuloy na bumangon sa araw araw at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na ibinibigay sa atin ng Panginoon. Katulad nga ng palagi nating sinasabi hindi Nya tayo bibigyan ng pagsubok na alam Nyang hindi natin kaya at hindi natin malalagpasan. Kaya magtiwala lamang sa ating mga sarili at laging iisipin na “Kaya ko to”.