Tuesday, 25 October 2016


                                                          Buhay Estudyante

Wika nga sa kasabihan ‘Ang buhay ng estudyante ay hindi biro’ madaming pagsubok ang kinahaharap. Hindi lamang sa loob ng paaralan kung hind maging sa tahanan ay dala dala ang gawaing pampaaralan. Tipong wala ka na halos oras para sa ibang bagay sapagakat naigugugol mo na ito sa iyong pagaaral.

Pagsusumikap na makapagtapos ang nais ng bawat mgaaaral upang sa gayon ay makatulong sa kanin kanilang mga magulang. Upang baling araw ay sila naman ang maipagmamalaki ng mga ito. Saludo ako sa mga kapwa ko estudyante na walang sawa at walang pagod na nagpapatuloy pa din sa kanilang pagaaral sa kabila ng hirap ng buhay.

Mayroong mga estudyante na sa kagustuhang makapagtapos ay naghahanap ng trbaho upang sa gayon ay matustusan ang kanilang pagaaral. Ngunit bakit tila mayroon namang ibang mga estudyante na walang inisip kung hindi ang maglakwatsya at magpasarap sa buhay. Mga estudyanteng biniyayaan ng kaginhawaan sa buhay. Na hindi iniisip ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapagaral sila.


Sa kabila ng kahirapan na ating nararanasan sa panahong ito nararapat lamang na suklian natin ang paghihirap n gating mga magulang upang tayo ay mapag aral. Para sa mga estudyanteng walang ginawa kung hinid waldasin ang mga perang ibinibigay sa inyo ng inyong mga magulang upang makapasok at makakain sa pa aralan. 

Nawa’y magising n asana kayo sa katotohanan ng buhay. Matuto sana tayong magtuon ng pansin sa ating pagaaral, oo’t hindi biro ito. Sari saring pagsubok ang inyong makakaharap ngunit lubos lubos na kasiyahan naman ang maidudulot nito sa ating mga magulang sa oras na tayo ay makapagtapos.

No comments:

Post a Comment