Tuesday, 25 October 2016








                                                        Masasakit na Salita

Paano nga ba natin malalaman kung ang mga salitang ating binibitawan ay nakakasakit na o hindi? Bakit nga ba mayroong mga tao na basta basta na lamang nagbibitaw ng mga salitang nakaksakit sa kanilang kapwa? Ito ba ay kanilang pinagiisipan o sadyang lumalabas na lamang sa kanilang mga bibig kapag sila ay nakararamdam ng sama ng loob?

 Sabi nga sa kasabihan “Kung ayaw mong gawin sayo. Huwag mong gawin sa kapwa mo.” Dahil may mga tao talaga na sensitibo na mabilis magdamdam sa mga salitang hindi nila nagugustuhan na sa kanilang tingin ay masyadong nakakapagpababa sa kanila.

Palagi sana nating tatandaan na ang bawat isa o ang bawat tao sa mundong ito ay nararapat lamang makatanggap ng respeto sa kapwa nila tao. Hindi natin sila pinapakain o binubuhay para basta basta na lamang pagsabihan ng mga nakaksakit na salita. Wala tayong responsibilidad sa kanila. At lalong hindi natin hawak ang kanilang mga buhay at damdamin para pagsabihan ng kung anu anong mga salita na hindi naman dapat nila matanggap mula sa atin.

 Kaya hanggat maaari ay huwag sana tayong basta basta na lamang ngabibitaw ng mga hindi kaaya ayang salita laban sa ating kapwa dahil kahit na hindi nila ipinaaalam sa iyo na masakit para sa kanila ang iyong mga nabitawan ay mananatiling nakatatak iyon sa kanilang mga isipan. Sapagkat sa oras na ikaw naman ang masabihan ng mga ganoong salita ay tiyak na masasaktan at magdadamdam ka din.


No comments:

Post a Comment