Thursday, 8 September 2016




Pagkabigo

Narasan mo na ba ang mabigo? Tipong binigay mo na ang lahat ng iyong makakaya ngunit tila ito ay kulang pa din? May mga katanungan sa iyong isip na kung bakit hindi pa din sumapat ang lahat ng pagsusumikap at pagtitiyagang iyong binigay at mga oras na iyong ginugol?

Marahil lahat ng tao dito sa ating mundo ay nakaranas na ng pagkabigo. Mapa'mayaman ka man o mahirap, mapa'may itsura man o hindi kagandahan at kagwapuhan, lahat tayo ay nakaranas na ng kabiguan sa buhay. Para sa marami ang kabiguan ay katumbas ng kahinaan, na siyang nagpapababa na kanilang mga tiwala sa sarili at mag isip ng hindi maganda tulad na lamang ng pagpapakamatay. Halimbawa na nito ay sa pag ibig, marami sa panahon ngayon ang nababalitaan na lamang na nagpakamatay sa labis labis na depresyon dulot ng pagiisip ng kung ano ano o labis labis na pagdadamdam dulot ng pag ibig. Mga sawing palad wika nga ng marami. At ang isa pa sa mataas na porsyento kung bakit nakararanas ng deprensyon o panghihina ng loob ng isang tao ay ang pagkabigo na tuparin ang kanilang mga pangarap o pinapangarap na sa ingles ay "goals in life". Sa pagkabigong ito labis labis na kalungkutan ang nadarama ng isang tao na maaari ding humantong sa kamatayan.

Ngunit anumang pagkabigo sa ating buhay nararapat lamang na atin itong tanggapin at harapin ang anumang nakalaan para sa atin. Ituloy lamang ang buhay ng masaya at may ngiti sa iyong mga mukha. Isipin na lamang na ito ay pagsubok sa atin ng Panginoon na nararapat lamang nating harapin ng may tatag at kalakasan ng loob upang sa gayon ay makamtam natin ang anumang bagay na ating minimithi sa buhay.

No comments:

Post a Comment