Sunday, 4 September 2016




Kalungkutan

Paano ba natin nalalaman na tayo ay nakararamdam ng lungkot sa ating mga sarili? Ano ba ang ating nagiging mga batayan para masabi natin na tayo ay malungkot? May maganda ba itong naidudulot para sa atin?

Sa halos araw araw na ating pamumuhay wala yatang tao ang hindi nakararamdam ng kalungkutan kahit ang dahilan pa nito ay maliit o malaki. Lahat ng tao ay may kanya kanyang  problema o suliranin sa buhay na kinakaharap. At sa mga oras na iyon ay kadalasang kalungkutan ang ating nararamdaman. Karamihan sa atin ay pagluha lamang ang tanging alam na paraan upang sa gayon ay kahit papaano’y gumaan ang ating kalooban. Na halos wala ng pumatak na luha mula sa ating mga mata dahil sa labis labis na pagiyak. 

Ang kalungkutan ay laging may kaakibat na kirot sa ating mga dibdib na tila ba may mabigat na bagay na nakadagan dito. Sadyang kay hirap makaranas ng kalungkutan. Lalo na kung ikaw ay halos wala ng malapitan sapagkat lahat ng tao sa iyong paligid ay may kanya kanya ding gawaing dapat tapusin. Dumadating talaga sa punto na tanging sarili mo lamang ang iyong makakaramay. Alin lamang sa dalawa ang kinakahantungan ng labis labis na kalungkutan. Ang pagkawala sa sarili o ang pagtatapos ng iyong buhay. Kaya kung tayo man ay nakararanas ng labis labis na kalungkutan palagi nating tatandaan na hindi tayo nagiisa. Ang Panginoon ay palagi lamang nandito para sa atin. Maaari natin Siyang kausapin upang gumaan ang ating kalooban at maniwala ka. Ito ay epektibong paraan. Iiyak mo lamang at kasunod nuon ay kausapin mo Siya. Nandiyan lamang Siya palagi at handang makinig sa ating mga nasa sa loob.




No comments:

Post a Comment