Sa oras na paasukin mo ang mundo ng pag ibig asahan mong kakambal na nito ang sakit. Madalas nating sinasabi na "Tama na! Ayoko na! durog na durog na ang puso ko sayo!". Ngunit paano nga ba nalalaman ng tao na durog na ang kanilang mga puso? Literal ba itong nadudurog kapag tayo ay emosyonal na nasasaktan ng ating mga mahal sa buhay? O ito ba'y nalalaman sa oras na tayo ay lumuha na halos wala ng katapusan hanggang sa sumikip na ang ating mga dibdib at hindi na halos makahinga?
Ano man ang tunay na kahulugan nito ang mahalaga at dapat nating matutunan, na hindi dapat sinasaktan ang damdamin ng bawat tao. Lahat ng tao ay balat sibuyas madaling magdamdam at maapektuhan kaya kung ikaw man ay galit palagi mong tatandaan na huwag na huwag kang magbibitaw ng anumang salita na maaring makasakit sa damdamin ng iyong kapwa. Katulad nga ng sabi nila sa ingles "Forgive but never forget" ang tao nagpapatawad yan dahil sino ba naman tayo? Kung ang Diyos nga nagpapatawad e, tao pa kaya? Pero palagi nating tatandaan na itoy habang buhay ng nakatatak sa kanilang mga isipan. Oo, tamang makakalimutan nila ito ngunit pansamantala lamang ang pagkalimot nito sapagkat dadating at dadating din ang oras na ito'y kanilang maalala at muli nilang mababalikan ang lahat ng mga masasakit na salitang iyong binitawan.
Sa pagmamahal, dapat handa kang masaktan. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon puro saya, nariyan din ang mga pagkakataon na kayo ay magkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan at pag aaway. Tamang masasaktan ka. Luluha. Mapapagod. At dadating sa punto na susuko ka na dahil hindi mo na kaya pagkat durog na durog ka na. Itatanong mo sa iyong sarili na "saan ako nagkulang?" "bakit kailangan kong makatanggap ng ganitong pagttrato sa akin?" ngunit ito pala'y mga pagsubok lamang na syang lalong magpapatatag sa inyong dalawa. Kaya hanggat maari ayusin hanggant kaya pang ayusin kung talagang mahal ninyo ang isa't isa handa ninyong harapin ang lahat ng anumang problema ng matatag at kalimutan nalamang ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan.
Masasaktan ka. Ngunit kaakibat naman nito ay matututo ka. Ang pag-ibig ay isa sa paktor na syang naghuhubog ng ating pagkatao, tumutulong din ito sa pagmamatyur ng ating mga isipan. Ang mga masasakit na nangyari sa atin dulot ng pag ibig ay syang magbibigay daan sa atin upang sa gayon ay matuto tayong gumawa ng mga desisyon sa buhay na alam nating tama at walang masamang kalalabasan. Matututo din tayo kung paano maging matatag sa kabila ng sakit na dulot ng pag ibig.
No comments:
Post a Comment