Paano nga ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak
nalang palagi? Ang linyang ito sa kanta ni Piolo at Sarah ay ilan lamang sa mga
katanungan na hindi ko maisip o mawari kung saan at paano ko matatagpuan ang
mga kasagutan. Madalas na mangyare noon at magpahanggang ngayon ang mga
naghahayag ng kalooban nila na kesyo sila’y sawa na at palagi na lamang
nasasaktan ng paulit ulit ng mga taong minamahal nila. Sari saring hinaing
tulad na lamang ng mga naloko, pinaasa, at sinaktan.
Nariyan din ang mga sitwasyong kung minsan ay nagduulot ng
kapahamakan sa tao tulad ng pagpapakamatay para sa mga taong hindi tanggap na
sila’y tuluyan ng iniwan at ipinagpalit sa iba ng kanilang minamahal. Ito ang
mga taong naniniwala sa linyang “hindi ko kaya kapag nawala ka sa buhay ko.
Ikamamatay ko.” Hindi ba’t napaka estupido ng linyang ito? Sasayangin niyo ang
inyong buhay para lamang sa taong sasaglit mo pa lamang nakikila kumpara sa
pamilya mong simula ng magkaroon ka ng buhay sa mundong ito ay kasakasama mo na
at patuloy ka pa ding binibigyan ng sapat na atensyon at labis labis na
pagmamahal?
Mayroon namang iba na sa sobrang pagmamahal ay wala na halos
itinira para sa kanilang mga sarili na ultimo pagbibigay ng sarili ay ginawa na
hanggang sa magbunga ng panibagong nilalang kahit sila’y wala pa sa wastong
edad. Na syang linya naman ay “Mahal ko sya e. Kaya ibinigay ko na sa kanya
lahat lahat” hindi inaapura ang
pagkakaroon ng sariling pamilya. Ngunit sa panahon ngayon ay padami ng padami
ang mga kabataang nabubuntis at nagsasama sa iisang bubong. Ito ang mga taong
nabulag ng husto sa pagmamahal na hindi na nila inisip pang mahirap ang maging
batang ama at ina.
At ang huli ay ang mga taong nagiging ampalaya na walang
ibang alam sabihin tuwing makakakita ng mga magkasintahan kung hindi
“Magb’break din kayo” “Walang forever!”. Ito ang mga taong pinaasa, na akala nila’y mahal din sila ng taong
minamahal nila ngunit sa kasamaang palad ay hindi pala.
Sari sari man ang istorya patungkol sa pagmamahal, ngunit
isa lamang ang aking natutunan. At ito ay matuto ka munang mahalin ang sarili
at ang pamilya mo bago ka sumubok magmahal at pumasok sa isang relasyon. Hindi
ka masasaktan kung marunong ka lang magpahalaga, rumespeto, magmahal ng sarili,
at higit sa lahat kung malakas ang iyong pananampalataya sa ating Panginoon.
Huwag ding magmadali dahil baling araw ibibigay din Niya ang nararapat na tao
para sayo. Nawa’y kung ano mang klase ng pagkabigo sa pagibig ang inyong
naranasan o nararanasan ay magsilbi itong aral para sa inyo at matuto kung
sakaling dumating man ang sandal na ikaw ay iibig ng muli.
No comments:
Post a Comment