Tuesday, 19 July 2016

Para kanino ka Gumigising?


Hindi ba’t napaka-pamilyar para sa atin ng katagang “Para kanino ka gumigising”? Isang katanungan ngunit lubha kang mapapaisip at mapapatanong ng “Bakit at Kanino nga ba?”. Sadyang napakahiwaga ng buhay madaming katanungan tayong kinakailangan ng kasagutan ngunit paano nga ba at saan natin ito makikita o matatagpuan? Bakit nga ba kinakailangan pa nating gumising at paulit ulit na gawin ang mga bagay na paulit ulit nalang naman nating ginagawa sa araw araw? Minsan o madalas ako’y napapaisip  kung para saan at pinipili pa nating mabuhay kung gayong puro hirap at pasakit lamang ang ating nararanasan kaunting saya karamihan na’y hirap. Sa aking madalas na pag iisip patungkol sa napakahiwagang tanong na ito sa wakas ay nabigyan ko na din ng kasagutan.
Katulad nga ng aking nabanggit sadyang napakahiwaga ng buhay ng tao. Tayo pinahiram lamang ng buhay ng Panginoon na syang nararapat nating gamitin, pangalagaan, at mahalin. Madaming dahilan upang tayo ay patuloy na mabuhay. Nariyan ang ating pamilya na syang nagpapalakas at nagpapatatag ng ating loob at sya ring pangunahing dahilan kung bakit natin pinipiling bumangon sa umaga at patuloy na gawin ang mga bagay na paulit ulit nating ginagawa sa araw araw. Nariyan din  ang ating mga kaibigan na syang nagbibigay kasiyahan sa atin at kung paminsan minsan ay sya ring ngapapalakas ng ating loob. Maaasahan sa oras na ikaw ay lugmok sa kalungkutan.

“Inspirasyon” lamang ang ating kinakailangan upang patuloy na bumangon sa araw araw at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na ibinibigay sa atin ng Panginoon. Katulad nga ng palagi nating sinasabi hindi Nya tayo bibigyan ng pagsubok na alam Nyang hindi natin kaya at hindi natin malalagpasan. Kaya magtiwala lamang sa ating mga sarili at laging iisipin na “Kaya ko to”.

No comments:

Post a Comment