Kasinungalingan
May mga tao talaga sa mundong ito na nakakayang magsabi ng
pawang kasinungalingan. Bakit nga ba nila naaatim na magsabi ng
kasinungalingan? May mabuti nga bang naidudulot ito o wala?
Hindi ko lubos maisip ung bakit mayroong mga tao na
nakakayang mag sabi ng mga salitang pawing puro kasinungalingan. Ito kaya ay
kanilang natututunan sa pamilyang kanilang kinalakhan? O sa mga kaibigang
kanilang sinasamahan? Maraming katanungan na hindi ko mawari kung ano ang mga
kasagutan.
Ngunit isa lamang ang aking pananaw patungkol sa mga taong
sinungaling. Ito ay ang hindi sila maaaring pagkatiwalaan. Sabi nga nila, kapag
nawala na ang tiwala sa iyo ng isang tao mahirap na itong ibalik. Ang kasinungalingan
ay isa sa mabigat na kasalanan na maaaring magawa ng tao. Sa oras na ito ay
iyong magawa, maaaring paulit ulit mo na din itong gawin sapagkat para sa iyo
ito na lamang ang natitirang paraan upang matakpan ang iyong mga nagawang
kasalanan.
Kaya’t hanggant maaari ay huwag sana nating matutunan ang
pagsisinungaling. Dahil sa oras na ito ay ating masimulan habang buhay na natin
itong dala dala sa ating pag uugali. At huwag mong aasahang may mga ta pang
magtitiwala sa iyo. Kaya hanggat maaga pa ay baguhin mo na ang iyong masamang
pag uugaling iyan kaibigan. Hindi yan makakabuti sa iyo at sa mga taong
nakapalibot sayo.