Tuesday, 25 October 2016

                                                                       

                                                                 Kasinungalingan

May mga tao talaga sa mundong ito na nakakayang magsabi ng pawang kasinungalingan. Bakit nga ba nila naaatim na magsabi ng kasinungalingan? May mabuti nga bang naidudulot ito o wala?
Hindi ko lubos maisip ung bakit mayroong mga tao na nakakayang mag sabi ng mga salitang pawing puro kasinungalingan. Ito kaya ay kanilang natututunan sa pamilyang kanilang kinalakhan? O sa mga kaibigang kanilang sinasamahan? Maraming katanungan na hindi ko mawari kung ano ang mga kasagutan.

Ngunit isa lamang ang aking pananaw patungkol sa mga taong sinungaling. Ito ay ang hindi sila maaaring pagkatiwalaan. Sabi nga nila, kapag nawala na ang tiwala sa iyo ng isang tao mahirap na itong ibalik. Ang kasinungalingan ay isa sa mabigat na kasalanan na maaaring magawa ng tao. Sa oras na ito ay iyong magawa, maaaring paulit ulit mo na din itong gawin sapagkat para sa iyo ito na lamang ang natitirang paraan upang matakpan ang iyong mga nagawang kasalanan.

Kaya’t hanggant maaari ay huwag sana nating matutunan ang pagsisinungaling. Dahil sa oras na ito ay ating masimulan habang buhay na natin itong dala dala sa ating pag uugali. At huwag mong aasahang may mga ta pang magtitiwala sa iyo. Kaya hanggat maaga pa ay baguhin mo na ang iyong masamang pag uugaling iyan kaibigan. Hindi yan makakabuti sa iyo at sa mga taong nakapalibot sayo.



No comments:

Post a Comment