Diskriminasyon
Nakaranas ka na ba nang diskriminsayon? Diskriminasyon sa
mga kaibigan? Diskriminasyon sa iskwelahan? Diskriminasyon sa trabaho? O
diskriminasyon sa pamilya? Hindi ba’t nakakababa ng loob o tiwala sa sarili ang
maramdaman mog mayrong nagaganap na diskriminasyon sa inyong grupo? Tipong
binibigay mo naman ang lahat ngunit parang hindi pa din sumasapat upang hindi
ka makaramdam ng diskriminasyon.
May mga pagkakataon talaga na kusa mo nalang nailalayo ang
iyong sarili sa iyong mga kasama sapagkat kahit hindi nila sabihin ay ramdam
mong hindi ka naman nila gusto o hindi ka naman nararapat sa grupong iyon.
Mapapaisip ka nalang at mapapatanong sa iyong sarili na ano ba ang mali sa
akin? Ano ba ang kakaiba sa akin na hindi pumaparehas sa kanilang mga pag
uugali at pagkilos?
Madaming katanungan ang lagging bumabagabag sa ating mga
isipan at maging sa ating kalooban.
Nawa’y matuto ang bawat isa na makaramda kung ikaw ba o ang
iyong grupo ay mayroong nadidiskrimineyt. Maging sensitibo sana tayo sa
nararamdaman ng ating kapwa. Sapagakat sadyang nakakalungkot ang makaramdam ng
diskriminasyon.
Mapapaisip ka na lamang talaga kung bakit. Bakit kailangan
ipamkuha nila sa iyo na hindi ka nararapat o hindi ka nila gusto sa grupong
iyon.
Matuto din sana tayo kung paano makisama ng pantay pantay sa
bawat isa. Hindi tama na sa iisang tao mo lamang itinutuon ang iyong atnesyon.
Sapagkat maiisip ng iba na bakit sila? Bakit sila ay hindi mo naman binibigyan
ng ganong klase ng atensyon. MAKARAMDAM KA KAPATID.
No comments:
Post a Comment