Pagsubok
Marahil lahat tayo ay mayroong pagsubok sa buhay na ating
pinagdadaanan. Mga pagsubok na sa akala natin ay wala nang mahahanap na
solusyon o kasagutan. Nakakalugmok man sa pakiramdam ang magkaroon ng patong
patong na pagsubok mas nakakagaan naman sa pakiramdam sa oras na ito ay iyong
malagpasan.
Mayroong mga taong hindi kinakaya ang mga pagsubok na kanilang
kinahaharap at kadalasan ito ay nauuwi sa pagkasira ng kanilang ulo o
pagkamatay. Pagpapakamatay. Isa sa mga naiisip na solusyon ng mga taong mahina
ang pinagkukunan. Tipong akala nila ay wala nang katapusan ang mga pagsubok na
dumadating sa kanila kaya’t kanilang maiisip na kitilin na lamang ang kanilang
mga buhay.
Ngunit hindi ba’t ang
paniniwala naman nating mga tao na ang mga pagsunok na ating kinahaharap
mabigat man o hinid ay pagsubok lamang sa atin ng panginoon? Pagsubok na lalong
magpapatatag sa atin at magtuturo sa atin ng aral sa buhay? Kaya kung kayo man
ay nakararanas ng pagsubok sa buhay manatili lamang na matatag at kayaning
lagpasan ang lahat ng ito ng may tibay at lakas ng loob. Dahil ang buhay ay
hindi lamang saya at pasarap dumadating din talaga tayo o ang bawat isa sa atin
sa mga sandaling tayo ay malulugmok dahil sa dami ng pagsubok na ibinigay Niya
sa atin ngunit ang katumbas naman nito sa oras ito ay ating malagpasan ay mas
matatag na ikaw na kayang harapin pa ang mas madaming pasgsubok na iyong
kahaharapin sa hinaharap na siyang huhubog sa iyo bilang isang tao na lalang ng
Diyos.
No comments:
Post a Comment