Monday, 25 July 2016

Durog na Puso..


Sa oras na paasukin mo ang mundo ng pag ibig asahan mong kakambal na nito ang sakit. Madalas nating sinasabi na "Tama na! Ayoko na! durog na durog na ang puso ko sayo!". Ngunit paano nga ba nalalaman ng tao na durog na ang kanilang mga puso? Literal ba itong nadudurog kapag tayo ay emosyonal na nasasaktan ng ating mga mahal sa buhay? O ito ba'y nalalaman sa oras na tayo ay lumuha na halos wala ng katapusan hanggang sa sumikip na ang ating mga dibdib at hindi na halos makahinga?
 Ano man ang tunay na kahulugan nito ang mahalaga at dapat nating matutunan, na hindi dapat sinasaktan ang damdamin ng bawat tao. Lahat ng tao ay balat sibuyas madaling magdamdam at maapektuhan  kaya kung ikaw man ay galit palagi mong tatandaan na huwag na huwag kang magbibitaw ng anumang salita na maaring makasakit sa damdamin ng iyong kapwa. Katulad nga ng sabi nila sa ingles "Forgive but never forget" ang tao nagpapatawad yan dahil sino ba naman tayo? Kung ang Diyos nga nagpapatawad e, tao pa kaya? Pero palagi nating tatandaan na itoy habang buhay ng nakatatak sa kanilang mga isipan. Oo, tamang makakalimutan nila ito ngunit pansamantala lamang ang pagkalimot nito sapagkat dadating at dadating din ang oras na ito'y kanilang maalala at muli nilang mababalikan ang lahat ng mga masasakit na salitang iyong binitawan.

Sa pagmamahal, dapat handa kang masaktan. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon puro saya, nariyan din ang mga pagkakataon na kayo ay magkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan at pag aaway. Tamang masasaktan ka. Luluha. Mapapagod. At dadating sa punto na susuko ka na dahil hindi mo na kaya pagkat durog na durog ka na. Itatanong mo sa iyong sarili na "saan ako nagkulang?" "bakit kailangan kong makatanggap ng ganitong pagttrato sa akin?" ngunit ito pala'y mga pagsubok lamang na syang lalong magpapatatag sa inyong dalawa. Kaya hanggat maari ayusin hanggant kaya pang ayusin kung talagang mahal ninyo ang isa't isa handa ninyong harapin ang lahat ng anumang problema ng matatag at kalimutan nalamang ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan.

Masasaktan ka. Ngunit kaakibat naman nito ay matututo ka. Ang pag-ibig ay isa sa paktor na syang naghuhubog ng ating pagkatao, tumutulong din ito sa pagmamatyur ng ating mga isipan. Ang mga masasakit na nangyari sa atin dulot ng pag ibig ay syang magbibigay daan sa atin upang sa gayon ay  matuto tayong gumawa ng mga desisyon sa buhay na alam nating tama at walang masamang kalalabasan. Matututo din tayo kung paano maging matatag sa kabila ng sakit na dulot ng pag ibig.

Saturday, 23 July 2016

Huwag ka ng umiyak.





Walang sinumang  tao dito sa ating mundo ang hindi pa nakararanas na umiyak lalo na kapag tayo ay mayroong pinagdadaanang problema sa buhay. Kung inaakala natin na hindi umiiyak ang mga kalalakihan ay nagkakamali tayo. Sadyang mapagtago lamang sila sapagkat ayaw nilang mayroong makakita ng mga luhang tumutulo mula sa kanilang mga mata pagkat paniniwala nila’y nakakababa ito ng kanilang pagkalalake. Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag iyak? Ito ba’y nangangahulugang ikaw ay isang mahina? Talunan? o nangangahulugan lamang nito na ikaw ay mayroon ding damdaming nasasaktan na tanging sa pagluha mo na lamang ito na ipapakita?

Madaming tao ang madalas na nagsasarili lamang upang sa gayon ay magkaroon sila ng oras na lumuha. Ang luha ay isa sa paktor na nagdudulot ng paggaan ng ating mga kalooban, kung ikaw man ay may mabigat na pasanin o problema sa buhay na sa iyong palagay ay hindi mo na kaya. Isang paraan lang ang lagi at nakasanayan na nating gawin, at ito ay ang pagiyak. Aminin man natin o hindi. Ito lamang ang tanging naiisip nating gawin kapag tayo’y mayroong mga problema. Mapag-isa, magkulong sa kwarto, at umiyak hanggang sa halos matuyuan ka na ng tubig sa mata sapagkat wala ng tumutulo pang luha mula dito ang kadalasan nating ginagawa.

Tipong hanggat naaalala mo ang iyong mga problema ay lalo pang sunod sunod na pumapatak ang tubig mula  sa iyong mga mata na kasabay nito ang kaunting kirot na iyong mararamdaman sa kaliwang bahagi ng iyong dibdib sapagkat hindi ka na halos makahinga. Ganyan tayong mga tao. Bukod sa ating Panginoon, Iyak ang nagiging sandigan natin sa oras na walang wala at problemadong problemado na tayo.  Nakakagaan din naman kase kahit papapano ang pag iyak sapagkat nailalabas mo ang iyong emosyong iyong pinagkakatago tago sa harap ng mga tao at mga mahal mo sa buhay.

Subalit palaging tatandaan. Na hindi sa lahat ng oras ang luha ay para lamang sa mga may pinagdadaanan sa buhay. Ang pagluha din kung minsan ay katumbas ng kaligayahan o sa salitang ingles ay “Tears of joy” dahil sa mga sandaling tayo’y galak na galak o hindi makapaniwala sa mga nangyayareng maganda sa iyong buhay ay hindi mo naiiwasang hindi maluha. Ngunit sana lamang ay hindi natin masyadong ugalin ang pag iyak sapagkat ito din ay pwedeng magdulot sa iyo ng pagkakasakit sa puso. Kaya kaibigan, huwag mong masyadong isipin ang mga problemang mayroon ka ngayon. Harapin natin ito ng matatag at may lakas ng loob at tiwala sa sarili sapagkat ito ay pagsubok lamang sa atin ng Panginoon kaya huwag ka ng umiyak, bangon kaibigan. Ayusin ang sarili at magsimulang solusyunan ang kung anumang problema ang mayroon ka.


Paano ba ang mag Mahal?



    Paano nga ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak nalang palagi? Ang linyang ito sa kanta ni Piolo at Sarah ay ilan lamang sa mga katanungan na hindi ko maisip o mawari kung saan at paano ko matatagpuan ang mga kasagutan. Madalas na mangyare noon at magpahanggang ngayon ang mga naghahayag ng kalooban nila na kesyo sila’y sawa na at palagi na lamang nasasaktan ng paulit ulit ng mga taong minamahal nila. Sari saring hinaing tulad na lamang ng mga naloko, pinaasa, at sinaktan.

Nariyan din ang mga sitwasyong kung minsan ay nagduulot ng kapahamakan sa tao tulad ng pagpapakamatay para sa mga taong hindi tanggap na sila’y tuluyan ng iniwan at ipinagpalit sa iba ng kanilang minamahal. Ito ang mga taong naniniwala sa linyang “hindi ko kaya kapag nawala ka sa buhay ko. Ikamamatay ko.” Hindi ba’t napaka estupido ng linyang ito? Sasayangin niyo ang inyong buhay para lamang sa taong sasaglit mo pa lamang nakikila kumpara sa pamilya mong simula ng magkaroon ka ng buhay sa mundong ito ay kasakasama mo na at patuloy ka pa ding binibigyan ng sapat na atensyon at labis labis na pagmamahal?

Mayroon namang iba na sa sobrang pagmamahal ay wala na halos itinira para sa kanilang mga sarili na ultimo pagbibigay ng sarili ay ginawa na hanggang sa magbunga ng panibagong nilalang kahit sila’y wala pa sa wastong edad. Na syang linya naman ay “Mahal ko sya e. Kaya ibinigay ko na sa kanya lahat lahat”  hindi inaapura ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Ngunit sa panahon ngayon ay padami ng padami ang mga kabataang nabubuntis at nagsasama sa iisang bubong. Ito ang mga taong nabulag ng husto sa pagmamahal na hindi na nila inisip pang mahirap ang maging batang ama at ina.

At ang huli ay ang mga taong nagiging ampalaya na walang ibang alam sabihin tuwing makakakita ng mga magkasintahan kung hindi “Magb’break din kayo” “Walang forever!”. Ito ang mga taong pinaasa,  na akala nila’y mahal din sila ng taong minamahal nila ngunit sa kasamaang palad ay hindi pala.

Sari sari man ang istorya patungkol sa pagmamahal, ngunit isa lamang ang aking natutunan. At ito ay matuto ka munang mahalin ang sarili at ang pamilya mo bago ka sumubok magmahal at pumasok sa isang relasyon. Hindi ka masasaktan kung marunong ka lang magpahalaga, rumespeto, magmahal ng sarili, at higit sa lahat kung malakas ang iyong pananampalataya sa ating Panginoon. Huwag ding magmadali dahil baling araw ibibigay din Niya ang nararapat na tao para sayo. Nawa’y kung ano mang klase ng pagkabigo sa pagibig ang inyong naranasan o nararanasan ay magsilbi itong aral para sa inyo at matuto kung sakaling dumating man ang sandal na ikaw ay iibig ng muli.

Wednesday, 20 July 2016

Kaibigan, totoo ka ba?


Totoo nga ba ang mga taong nakapaligid sa atin? Ang mga taong inaakala natin ay mapagsasabihan at mapagkakatiwalaan ng ating mga sikreto? Mga sikretong nararapat lamang ay manatiling nakatago? Ngunit paano kung isang araw ay malaman mo nalang na ang kaibigang siyang lubos mong pinagkakatiwalaan ay siya palang isa sa sumisira sa iyong pangalan habang ikaw ay nakatalikod. Traydor mo bang matatawag ang ganitong klase ng kaibigan?

Sa panahon natin ngayon, sadyang napakahirap makatatagpo ng mga tapat at totoong kaibigan. Mga kaibigang hindi ka basta basta iiwan sa ere anuman ang mangyari. Kaibigang mapatalikod o mapaharap ka man ay parehas lamang ang turing sayo, walang halong kaplastikan o panguuto. Totoo lang. Ngunit sa mga nangyayari ngayon sa ating paligid, pansinin nyo na sadyang dumadami ang kaso ng mga magkakaibigang nagkaka-away o pagkakaibigang nasisira ng dahil sa pagt'traydor at paninira sa isa't isa kapag ito'y nakatalikod na. May ilan ay siyang siya na pagusapan ang kanilang kaibigan kapag itoy wala, plastikan duon, plastikan dito. Bakit hindi natin subukang magpakatotoo? Libre lang naman ang magpakatotoo at wala pang kahirap hirap gawin ito. O sadyang may mga tao talagang ang libangan ay pintasan o husgahan ang kanilang kapwa lalo na ang kanilang mga kaibigan?

Kaibigan mo bang maituturing ang isang taong matalikod ka lang sandali ay iba na ang tingin sayo? Kaibigang hindi ka lamang sinisiraan sa ibang tao kundi sya ring nagbibigay ng masasamang komento laban sayo? Kay hirap nga namang mabuhay sa mundong mapanlinlang, tipong ibibigay mo ang lahat ng tiwala mo dahil sa kampanteng kampante kang hindi ka nya t'traydurin at sisiraan sa ibang tao. Ngunit ano lamang ang ating napapala? Sa huli'y tayo lamang din ang lumalabas na masama sa paningin ng iba. Kaya payo lamang mga kaibigan. Maging mapili sana tayo sa pagpili ng mga kakaibiganin at huwag basta basta naglalahad ng lahat ng iyong sikreto sa buhay. Mag ingat ka kaibigan. Maging mapag'matyag, mabusisi, at mag'ingat.




Tuesday, 19 July 2016

Para kanino ka Gumigising?


Hindi ba’t napaka-pamilyar para sa atin ng katagang “Para kanino ka gumigising”? Isang katanungan ngunit lubha kang mapapaisip at mapapatanong ng “Bakit at Kanino nga ba?”. Sadyang napakahiwaga ng buhay madaming katanungan tayong kinakailangan ng kasagutan ngunit paano nga ba at saan natin ito makikita o matatagpuan? Bakit nga ba kinakailangan pa nating gumising at paulit ulit na gawin ang mga bagay na paulit ulit nalang naman nating ginagawa sa araw araw? Minsan o madalas ako’y napapaisip  kung para saan at pinipili pa nating mabuhay kung gayong puro hirap at pasakit lamang ang ating nararanasan kaunting saya karamihan na’y hirap. Sa aking madalas na pag iisip patungkol sa napakahiwagang tanong na ito sa wakas ay nabigyan ko na din ng kasagutan.
Katulad nga ng aking nabanggit sadyang napakahiwaga ng buhay ng tao. Tayo pinahiram lamang ng buhay ng Panginoon na syang nararapat nating gamitin, pangalagaan, at mahalin. Madaming dahilan upang tayo ay patuloy na mabuhay. Nariyan ang ating pamilya na syang nagpapalakas at nagpapatatag ng ating loob at sya ring pangunahing dahilan kung bakit natin pinipiling bumangon sa umaga at patuloy na gawin ang mga bagay na paulit ulit nating ginagawa sa araw araw. Nariyan din  ang ating mga kaibigan na syang nagbibigay kasiyahan sa atin at kung paminsan minsan ay sya ring ngapapalakas ng ating loob. Maaasahan sa oras na ikaw ay lugmok sa kalungkutan.

“Inspirasyon” lamang ang ating kinakailangan upang patuloy na bumangon sa araw araw at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na ibinibigay sa atin ng Panginoon. Katulad nga ng palagi nating sinasabi hindi Nya tayo bibigyan ng pagsubok na alam Nyang hindi natin kaya at hindi natin malalagpasan. Kaya magtiwala lamang sa ating mga sarili at laging iisipin na “Kaya ko to”.